Inasahan na babawi sa second half ng 2024 ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa Moody’s Analytics.
Dahil sa patuloy na pagluwag ng inflation na nagpapaangat ng consumption at paglakas ng kalakalan, naniniwala ang Moody’s Analytics na mas aangat ang ekonomiya sa second half.
Anila, pagkakataon na bawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang borrowing cost.
Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 2.8% ang January inflation sa bansa, mas mababa kumpara sa 3.9 inflation noong Disyembre ng 2023.
Pasok ito sa pagtaya ng BSP na sa 2.8 to 3.6 percent ang January forecast ng inflation, at mas mababa sa forecast ng ilang grupo ng mga analyst at economist na tinatayang nasa 3.1%.
Paliwang ng Moody’s, kapag bumaba ang interest rate makikinabang ang private consumption at investment, at inaasahan ding lalakas ang kalakalan kung saan nakikitang tataas ang demand ng semiconductors at electronics sa second half ng taon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes