Inasahan na babawi sa second half ng 2024 ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa Moody’s analytics.
Dagdag pa nitp, pagkakataon ito na bawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang borrowing cost.
Sa inilabas na datos ng PSA, nasa 2.8% ang January inflation sa bansa, mas mababa kumpara sa 3.9% inflation noong Disyembre ng 2023.
Pasok ito sa pagtaya ng BSP, kung saan nasa 2.8 to 3.6 percent ang January forecast ng inflation at mas mababa sa pa forecast ng ilang grupo ng mga analyst at economist na nasa 3.1 percent.
Paliwang ng Moody’s, kapag bumaba ang interest rate, makikinabang ang private consumption at investment at inaasahan din lalakas ang kalakalan ung saan nakikitang tataas ang demand ng semiconductors and electronics sa 2nd half ng taon. | ulat ni Melany Reyes