Isinasagawa na ng Department of Agriculture (DA) ang updating sa electronic database ng mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Mahalaga umano ito para sa tamang pagpaplano,
pagpapatupad at pagmomonitor sa bilyon-
bilyong pisong halaga ng agricultural projects at mga target intervention.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Operations Roger Navarro, magpapakilos ang DA ng may 16,000 tauhan sa buong bansa para mapabilis ang delayed collection, updating at validation ng personal and farm data ng stakeholders.
Pagtaya pa ng DA,may 10 million magsasaka at mangingisda ,karamihan sa mga ito ay natukoy na pinakamahirap sa bansa.
Ang DA ay may paunang listahan ng 1.4 milyon ng mga stakeholder na ito bago magsimula ang pag update. | ulat ni Rey Ferrer