Maayos na naisagawa ngayong araw, ika-16 ng Pebrero ang ground breaking at capsule laying ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program na ginanap sa Bgy. Irawan sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Bahagi rin ang nasabing programa ng apat na araw na paglulunsad ng big bang projects ng Lokal na Pamahalaan ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Mayor Lucilo Bayron.
Aabot naman sa mahigit 5,400 ang benepisyaryo ng nasabing pabahay sa lungsod, na itatayo sa 22-ektaryang lupain sa Bgy. Irawan.
Bubuuin ito ng nasa 47 residential buildings na may limang palapag kada isa. Bawat gusali ay may 120 units na may sukat na 31.5 square meters ang bawat isa.
Matatagpuan rin sa loob ng Tandikanville ang isang clubhouse na mayroong swimming pool gayundin ang dalawang commercial buildings.
Makikita rin sa loob nito ang sariling powerhouse at sewage treatment plant.
Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing aktibidad ay sina G. Federico Laxa, Presidente at CEO ng Social Housing and Finance Corporation o SHFC, kinatawan mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) at kinatawan mula sa AVECS Corporation gayundin si Tandikan Home Owners Association President Roy Bautista. | ulat ni Lyzl Pilapil-RP Palawan