Tinatayang nasa P150 million na ang halaga ng pinsalang iniwan ng El Niño sa mga pananim na palay at mais sa bansa.
“As the President has emphasized, our approach to El Niño is, number one, intervention; number two, mitigation; an then, we enjoined everyone – it’s a whole of government approach. So maganda rin siguro sa may mga bureau sa probinsiya to go to the provinces and tap, maybe your regional correspondents to see what the regional offices of DA, of DSWD, of DENR are doing to help [unclear] of the effects of El Niño.” – Asec. Villarama
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Communications Assistant Secretary at Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, mula sa datos na ito P141 million dito ay pinsala sa palayan.
Nasa P10 million naman ang pinsala sa mais.
Ayon sa opisyal, naitala ang mga pinsalang ito sa Region VI at IX.
“So from the task force or the macro perspective, may ginagawa ang task force and the principal agencies. In terms of agriculture for example, there is an ongoing repair of irrigation canals para mas efficient ang pag-supply ng water. And then, mayroon ding inputs and implements for irrigation that are being given to farmers of the most affected areas which are Region IX and Region VI. So that’s Western Visayas and Zamboanga Peninsula.” – Asec. Villarama
Sa kaparehong briefing, siniguro ni Agriculture Usec. Roger Navarro na sa kasalukuyan sapat pa ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa bansa, kahit pa sa gitna ng nararanasang tag-tuyot.
Una na ring inanunsyo ng Task Force El Niño na mula sa 50 probinsya na una nang nakakaranas ng pinakamatinding epekto ng El Niño, bumaba na lamang ito sa 41. | ulat ni Racquel Bayan