Patuloy pa rin ang buhos ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagulan sa Davao region.
Bilang karagdagang tulong, nagpadala pa ang DSWD ng 40,800 family food packs (FFPs) na tinanggap ng DSWD Field Office (FO)-11 sa Globalports Davao Terminal nitong linggo.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang mga ito ay ipapamahagi sa mga pamilyang tinamaan ng shear line at trough ng low pressure area (LPA).
“Our Davao Field Office has started the hauling of the FFPs to its warehouse and these will be ready for pick up by requesting local government units (LGUs) affected by the inclement weather in the region. We are coordinating closely with the affected LGUs to ensure that they have enough relief aid to distribute to their affected constituents,” Asst. Sec. Lopez,
Una nang iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang patuloy na paghahatid ng relief aid sa Mindanao alinsunod na rin sa direktiba ni Pan)z Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 145,895 food and non-food items (FNFIs) na nagkakahalaga ng halos P239-M ang naipaabot na sa mga apektado ng shear line habang 221,835 FNFIs naman ang naipaabot sa LPA trough-affected families. | ulat ni Merry Ann Bastasa