Pinapurihan ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang desisyon ng Kuwaiti Court of Appeals na pagtibayin ang conviction sa pumaslang sa OFW na si Jullebee Ranara.
Ayon sa House Committee on Overseas Workers Affairs Chair, isa itong mahalagang yugto sa pagkamit ng hustisya para kay Ranara.
Kasabay nito ay nagpasalamat din ang mambabatas sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa kanilang dedikasyon na maibigay ang hustisya sa ating kababayan at mapanagot ang may sala.
“This decision is a testament to the collaborative efforts of both the Philippine and Kuwaiti authorities in ensuring that justice prevails for Jullebee Ranara. The Philippine government remains steadfast in its commitment in protecting the rights and welfare of our OFWs. We will continue to work tirelessly to ensure that those who perpetrate violence against our overseas workers are brought to justice.” saad ng mambabatas
Ipinaabot din ng mambabatas ang pasasalamat sa Kuwaiti Government sa pagkilala at pangangalaga sa karapatan ng ating mga OFW na nasa kanilang hurisdiksyon.
Bilang sukli naman sa Kuwaiti Government, itinutulak ni Salo na alisin na ang deployment ban sa Kuwait basta’t matitiyak ang karapatan at kaligtasan ng mga OFW na magtatrabaho doon.
“The conviction in Jullebee Ranara’s case underscores Kuwait’s commitment in serving justice and safeguarding the rights of our OFWs. We believe that lifting the deployment ban is warranted as a recognition of Kuwait’s efforts to address concerns regarding the welfare and safety of OFWs. We hope to put a closure on this tragic incident that strained the diplomatic relationship of our countries, and move forward in giving our people more employment opportunities and in ensuring better protection while working in Kuwait,” pagtatapos ni Salo. | ulat ni Kathleen Forbes