Naglatag ng iba’t ibang mga aktibidad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga pasahero ng LRT-2 sa selebrasyon ng Valentine’s Day bukas.
Ayon sa LRTA, isasagawa ang mga aktibidad sa LRT-2 Antipolo Station simula alas-7 ng umaga.
Kabilang sa mga inihandang aktibidad ang pagbibigay ng bulaklak sa mga pasahero ng tren na pangungunahan ng ilang opisyal at mga kawani ng LRTA.
Mayroon din Love Snap photobooth at maghahandog din ng mga romantic song na hatid ng Saxerendipity ng Philippine Coast Guard (PCG).
Abangan din ang mga entry sa TRAINding Hugot Lines Valentines Contest na babasahin ng mga train operator bukas.
Layon ng mga aktibidad na makapagbigay ng saya sa mga pasahero ng LRT-2 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.| ulat ni Diane Lear