Hinakayat ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kanilang mga kababayan na samantalahin ang ikalawa at huling araw ng Kadiwa ng Pangulo.
Matatagpuan ito sa quadrangle ng Pasig City Hall kung saan maliban sa mga produktong agrikultural, may iba’t iba ring produkto ang mabibili rito.
Ilan sa mga nagtitinda ng gulay dito ay mula pa sa Cordillera at Nueva Ecija, na nag-aalok ng kanilang abot-kayang produkto gaya na lamang ng:
Broccoli – P180/kg
Cauliflower – P100/kg
Carrots – P70/kg
Repolyo – P40/kg
Bokchoy – P120/kg
Patatas – P100/kg
Sayote – P40/kg
Beans – P100/kg
Luya – P100/kg
Sa Sibuyas, P50/kg sa puti habang P70/kg naman sa pula
Calamansi – P70/kg
Upo – P35 pesos per piraso
Talong – P60/kg
Ampalaya – P80/kg
Kalabasa – P35/kg
Mas mura ito ng P10 hanggang P20 kumpara sa presyuhan ng palengke.
Maliban sa gulay, may prutas ding itinitinda rito, may kakanin at may sapatos din na gawang Marikina
Alas-8 ng umaga nagbukas ang Kadiwa ng Pangulo at magtatagal ito hanggang mamayang gabi. | ulat ni Jaymark Dagala