Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga residente ng Munisipalidad ng San Antonio sa Lalawigan ng Quezon.
Sa pangunguna ni PCSO General Manager Mel Robles at iba pang opisyal ng ahensya, naghandog ng patient transport vehicle at 300 hygiene kits sa mga residente.
Nagsagawa rin ng medical at dental mission na ginanap sa municipal gymnasium ng nasabing bayan.
Sa kabuuan, nasa 310 na mga pasyente kabilang ang mga buntis, bata, senior citizens, at persons with disability sa mga nakatanggap ng libreng serbisyo gaya ng medical consultation, dental check-up, tooth extraction, at electrocardiogram.
Bukod pa rito, ay nagbigay din ng food packs at libreng lotto tickets sa 500 senior citizens.
Tiniyak ng PCSO na patuloy itong tutulong at magtutungo sa iba’t ibang lalawigan sa bansa upang makapagbigay pag-asa sa ating mga kababayan. | ulat ni Diane Lear