Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa ilang bahagi ng bansa kahapon ayon yan sa PAGASA.
Batay sa heat index monitor ng PAGASA, pumalo sa higit sa 42°C ang heat index o alinsangan sa katawan na naramdaman sa Cotabato City sa Maguindanao kahapon.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Umabot rin sa 41°C ang heat index sa Calapan, Oriental Mindoro habang 40°C naman ang naramdaman sa Masbate City, at sa Zamboanga City.
Ngayong araw, inaasahan namang aabot sa hanggang 40°C hanggang 41°C ang heat index sa Oriental Mindoro, Masbate, Iloilo, at Cotabato City.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng tumindi pa ang mataas na heat index sa bansa hanggang sa buwan ng Mayo. | ulat ni Merry Ann Bastasa