Nagkasundo ang mga ekonomista, mambabatas at mga opisyal ng Department of Agriculture at Board of Investment na panahon nag buksan din sa dayuhang mamumuhunan ang sektor ng mais at bigas.
Ito ay para mapalakas ang produksyon ng pagkain at kita ng mga magsasaka.
Sa ikinasang roundtable discussion ng Kamara, sinabi ni Mari Charina Ubarra, technical consultant ng Foundation for Economic Freedom (FEF), nililimitahan ng Presidential Decree 194 sa 30 taon ang foreign investment sa rice at corn sector.
Natatangi aniya ito sa Pilipinaa na isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti ang namumuhunang dayuhan sa atin.
Pagbabahagi naman ni Christopher Ilagan, chairman ng agribusiness committee ng American Chamber of Commerce sa Pilipinas, maaaring hindi agad ramdam ng investors ang 30 year divestmsnt rule pero habang papalapit ang pagtatapos nito ay nagdadalawang isip na ang mga investors.
Maliban dito dahil sa rice tariffication law ay inalisan ng kapangyarihan ang national food authority na imonitor ang divestment rule na nakakagulo din sa isip ng mga investors.
Dahil batid na mahihirapang buksan ng buo sa foreign investment ang naturang mga sektor ang nakikitang alternatibo ay palawigin ang divestment period sa 50 taon.
Sinuportahan naman ito nina Agriculture assistant secretary U-Nichols Manalo at NFA administrator Roderico Bioco dahil makatutulong ito sa ilang dekada nang underinvestment sa sektor ng agrikultura.
Sa panig naman ni BOI director Raquel Echague sinabi nya na ang pagpaphaba sa divestment period ay makakatulong sa Pilipinas na makahabol sa mga karatig bansa natin sa ASEAN lalo na sa feed milling industry. | ulat ni Kathleen Forbes