Welcome sa National Anti-Poverty Commission–Formal Labor and Migrant Workers Sectoral Council (NAPC-FLMWSC) ang pagrebisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11360, o ang Service Charge Law.
Partikular dito ang pagiging entitled na ng lahat ng empleyado, sila man ay casual, extra, o contractual employees na makatanggap ng service charge.
Ayon sa NAPC-FLMWS, malaking hakbang ito para masiguro ang patas na kompensasyon sa lahat ng mga manggagawa sa service industry.
“NAPC-FLMWS recognizes the efforts of all stakeholders in fine-tuning the regulations to address the evolving needs of workers in the accommodation and service industries, particularly for non-regular employees.”
Naniniwala rin itong magdudulot ng positibong pagbabago sa mga manggagawa lalo na sa kanilang working conditions at take-home pay.
“The NAPC-FLMWS believes these amendments will contribute to the overall improvement of working conditions and take-home pay within the accommodation and service industries.”
Kasunod nito, nagpasalamat ang konseho kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma at sa lahat ng stakeholders na tumulong sa pagrebisa ng RA 11360.
“We remain steadfast in our commitment to working toward the betterment of the lives of Filipino workers and will continue to actively engage with relevant authorities to ensure the effective enforcement of these revised regulations.” | ulat ni Merry Ann Bastasa