Umakyat na sa $14 billion dollars ang halaga ng mga pangakong pamunuhunan mula sa mga nakalipas na biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gumugulong.
Pinatatatag lamang nito ang posisyon ng Pilipinas, bilang premier investment destination para sa foreign business sa Asya.
Base sa datos ng DTI, as of December, 2023, nasa $72.2 billion na investment ang nasa iba’t ibang stages na.
Kinabibilangan ito ng 148 proyekto.
Nasa 46 anim na proyekto o 14.2 billion US dollars na halaga ng proyekto ay nag-materialize na, o nakapagbukas na ng negosyo sa bans o hindi naman ay nakumpleyo na ang rehistrasyon sa pamahalaan.
“Our dedication to turning investment pledges into reality is unwavering. We also leverage each presidential visit as a springboard for building up a pipeline of investment opportunities and making the Philippines an investment destination of choice.” —DTI Secretary Fred Pascual.
Ilan sa mga ito ay nasa linya ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, infrastructure, transport at logistics, agriculture, at retail.
Ang bansa na pinanggalingan ng pinakamaraming pamumuhunan sa Pilipinas ay ang Japan na mayroong 21 proyekto na nag-materialize na, habang 13 naman mula sa Estados Unidos.| ulat ni Racquel Bayan