Nakikipag-ugnayan na ang Intellectual Property Office of the Philippines sa San Juan LGU at management ng Greenhills Shopping Mall para aksyunan ang mga pekeng produkto.
Ito’y matapos ilagay ng US Market sa kanilang watchlist ang Greenhills Shopping Mall sa mga establisyimento sa Pilipinas na talamak ang bentahan ng mga pekeng produkto.
Ayon sa IPOPHL, nagsasagawa sila ng mga raid sa mga tindahan sa Greenhills na nagtitinda ng mga counterfeit na iba’t ibang produkto tulad ng mga sapatos, bag, damit, gadget at iba pa.
Bukod tanging ang Greenhills Shopping Mall ang nasa watchlist ng US Market na mga establisyimento sa Pilipinas ang nakitaan ng talamak na pagbebemta ng mga pekeng produkto.
Hinihikayat din ng IPOPHL ang mga nagtitinda sa Greenhills Shopping Mall na magbenta ng mga orihinal na produkto upang maiwasan ang anumang uri ng kaso. | ulat ni Michael Rogas