Kinilala ng Philippine Coast Guard ang serbisyo ng K9 handlers sa nangyaring landslide sa Davao de Oro.
Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang awarding ceremony para sa nasabing K9 handlers at working dogs.
Ayon kay Coast Guard District South Eastern Mindanao Commander Coast Guard Rejard Marfe, kinikilala din sa naturang awarding ceremony ang mga naging kontribusyon ng PCG sa search, rescue at retrieval operations sa barangay Masara.
Isa sa pinarangalan sa naturang seremonya ay ang working dog na si Appa at ang handler nito na si Coast Guard Petty Officer Second Class Alfie Baba matapos nilang ma-locate ang isang tatlong taong gulang na bata na na-trap ng halos tatlong araw matapos ang landslide.
Pinasalamatan naman ni Marfe ang lahat kung saan napatunayan aniya ang kahalagahan ng mga canine sa mga search and rescue operations na naglalayong magligtas ng buhay. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: PCG