Muling dadayo ang Kadiwa ng Pangulo sa ilang lungsod sa Metro Manila para mag-alok ng mas murang agri-fishery products.
Sa abiso ng Department of Agriculture (DA), simula ngayong araw ay magbubukas muli ang Kadiwa ng Pangulo sa mga sumusunod na lugar:
• C-Cube, Barangay 103, 8th Avenue, Grace Park East, Caloocan City
• Manpower and Technical Vocational Training Center, Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City
• Manila City Hall Inner Court, 369 Antonio Villegas, St., Barangay 659, Ermita, Manila
• Barangay Potrero Barangay Hall (in front), Pinagtipunan Circle, Potrero Malabon City
• Dalandanan Community Complex, #53 Esteban South, Barangay Dalandanan, Valenzuela City
Ayon sa DA, tugon ito sa tumataas na presyo ng mga bilihin habang tinutulungan din ang mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Bukod sa Kadiwa ng Pangulo, tuloy-tuloy din ngayong araw ang bentahan ng mas murang mga produkto sa mga regular na Kadiwa sites.
Tatagal ang Kadiwa ng Pangulo hanggang sa Huwebes, February 29. | ulat ni Merry Ann Bastasa