Ipinagpatuloy sa isang roundtable discussion (RTD) ng evidence-based research sa rightsizing sa gobiyerno.
Kabilang sa mga participants ang mga miyembro ng Kapulungan at Congressional Research Fellows.
Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na namuno sa talakayan, para sa komprehensibong pag-uuri sa rightsizing kelangan patunayan kung meron bang “overlapping” na trabaho sa gobiyerno.
Aniya, kelangan i-assess ang “devolution of function” upang maistablisa ang naturang mga tungkulin sa lokal at central government.
Ayon kay House of Representatives Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General (DSG) Dr. Romulo Miral Jr., ang pagsasaliksik ay nakatuon sa pagtukoy ng mga kundisyon para sa epektibong rightsizing ng pamahalaan, at pagpapaunlad ng strategic policy framework, mga rekomendasyon sa polisiya, at ang rightsizing diagnostic tool na magagamit ng mga gumagawa ng polisiya mula sa hanay ng ehekutibo at lehislatura, sa pagpapatupad ng rightsizing sa pamahalaan.
Layon ng research and development na magkaroon ng guiding frameworks at principles para sa maayos na proseso ng rightsizing at makamit ang pinaghusay na public service sa sambayanan.| ulat ni Melany V. Reyes