Mas makabuluhan pa ang Araw ng mga Puso sa ilang nagmamahalan sa Lungsod ng Valenzuela na piniling itaon mismo ngayong Valentine’s Day ang pag-iisang dibdib.
Ayon sa LGU, dalawang kasalang bayan ang magaganap ngayong Araw ng mga Puso na bahagi rin ng selebrasyon ng ika-26 na Charter Day ng Valenzuela.
Inaasahang 70 couples ang ikakasal ngayong alas-9 ng umaga ang unang seremonya na gaganapin sa Casa de Polo sa Brgy. Poblacion.
Habang susundan ito ng 93 couples mamayang hapon sa Kasalang Bayan na gaganapin naman sa La Rosa Pavilion, Santolan Road.
Bukod sa kasal, sasagutin na rin ng pamahalaang lungsod ang bouquet ng bawat bride, buffet at photobooth para sa espesyal na okasyon.
Makakatanggap rin ang newlyweds ng hotel gift certificates para sa kanilang honeymoon. | ulat ni Merry Ann Bastasa