Nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI) na layong mabigyan ng suporta ang mga pulis na kailangang dumalo sa pagdinig ng korte sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Ang kasunduan ay nilagdaan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at PSMBFI CEO and President, Director Chiquito Malayo, kahapon sa Camp Crame.
Sa pamamagitan ng kasunduan, magtatatag ang PSMBFI ng “Legal and Travel Assistance Program” na magkakaloob ng suportang pinansyal sa mga pulis sa kanilang “service-related” na kaso, at pamasahe sa mga testigo ng prosekusyon.
Ang bahagi ng naturang pondo ay ilalaan din sa pagpapaunlad ng kapabilidad ng PNP Legal Service.
Sinabi ni Gen. Acorda na ang kasunduan ay ehemplo ng pakikipagtulungan ng PNP sa pribadong sektor para mapahusay ang morale at kapakanan ng mga tauhan ng PNP. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNP-PIO