Mariing pinabulaanan ng Philippine Airlines (PAL) ang isang post sa social media na umano’y nag-aalok ng murang ticket ang airlines at makakuha ng anim na buwan na libreng flight sa halagang P168.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, peke ang nasabing site at hindi ito dapat pinapatulan dahil maaaring makompromiso lamang aniya ang mga personal na datos.
Ayon Kay Villaluna, ang mga pekeng site ay karaniwang mga phishing site na nambibiktima sa social media.
Ang promo aniya ng nasabing air carrier ay naka-post sa kanilang corporate website www.philippineairlines.com at sa opisyal Facebook page na PAL. | ulat ni AJ Ignacio