Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon.
Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrometeorology Division hanggang kaninang alas sais ng umaga, bumaba na sa 209.10 meters ang water elevation ng Angat.
Bumaba ng 0.21 meters ang water level kumpara sa 209.31 meters kahapon.
Gayunman, mataas pa rin ito sa minimum operating level na 180 meters pero mas mababa na sa 212 meters normal high water level.
Nasa 99.73 meters naman ang water elevation ng Ipo Dam na mas mababa din sa maintaining level na 101 meters.
Samantala, ang La Mesa Dam ay nasa 77.70 meters ang lebel ng tubig, na mas mababa sa 80.15 meters normal high water level.
May pagbaba din sa San Roque Dam, Pantabangan, Magat at Kaliraya Dam.
Inaasahan pa ang pagbaba ng level ng tubig sa mga dam dahil sa kawalan ng ulan bunga ng umiiral na El Niño sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer