Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bahagi ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro kaninang alas-4:46 ng madaling araw.
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro hilagang kanluran ng Abra de Ilog.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 11 kilometro sa lupa.
Narito ang mga lugar na nakapagtala ng intrumental intensities:
Intensity IV – Abra de Ilog and Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO
Intensity III – City of Calapan, ORIENTAL MINDORO
Intensity II – City of Tagaytay, CAVITE
Intensity I – Batangas City, Cuenca, Mataas na kahoy, and San Luis, BATANGAS
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng makapagtala ng pinsala kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa