Tiniyak ng Phlippine National Police (PNP) ang seguridad ng Filipino-Chinese Community sa bansa kaalinsabay ng kanilang pagdiriwang ng Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon.
Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., aabot sa 1,457 na mga pulis ang kanilang ipakakalat sa magkakahiwalay na petsa at lugar.
Partikular na tututukan ang mga lugar kung saan may komunidad ng Filipino-Chinese partikular na sa Chinatown na nasa Binondo, Lungsod ng Maynila na siyang kauna-unahan sa buong mundo.
Nabatid na maliban sa Lunar New Year ay ipagdiriwang din ng Filipino-Chinese Community dito ang ika-430 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang komunidad sa labas ng mainland China.
Sa katunayan ayon sa PNP Chief, January 26 pa nila sinimulang paghandaan ang naturang okasyon na inaasahang magtatapos hanggang sa February 15 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala