Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang apektado ng pagbaha sa Davao Region.
Ayon sa OVP, naitala ang pinakamalawak na relief operation sa loob ng isang araw sa nasabing rehiyon kung saan pumalo sa 11,993 na mga pamilya ang nabigyan ng tulong nitong February 19.
Sa pangunguna ng OVP-Disaster Operations Center, nasa 10,393 na mga pamilya sa Davao Oriental ang nabigyan ng bigas at relief bags.
Habang nasa 1,600 na pamilya naman sa Davao de Oro ang nahatiran ng tulong ng OVP-Davao Satellite Office partikular na nabigyan ng tulong ang Barangay Mapangi, Linda, Kinuban, at Lorenzo National High School evacuation center.
Bukod dito, namahagi rin ng mga de latang pagkain at face masks kasabay ng relief operation ng OVP. | ulat ni Diane Lear