Pinatawan ng Securities and Exchange Commission ng suspensyon ang aabot sa 117,800 non-compliant na mga kumpanya.
Ayon sa SEC, sinuspindi nila ang Certificates of Incorporation ng mga nasabing korporasyon dahil bigo itong magsumite ng kanilang annual reports ng higit sa limang taon.
Kabilang din sa listahan ang mga negosyong nagparehistro pero naging inactive.
Sa ilalim ng Revised Corporation Code of the Philippines (RCC), minamandato sa lahat ng mga rehistradong kumpany sa SEC na magsumite ng kanilang annual financial statements at general information sheets dahil kung hindi ay maari silang patawan ng multa.
Pinapayagan din ng RCC ang ahensya na ilagay bilang delinquent corporations sa ilailm ng “three-strike system” ang mga hindi aktibong kumpanya.
Samantala, nag-aalok naman ang SEC ng 30-day window mula sa published order upang makatalima ang mga ito sa regulasyon sa ilalim ng Amnesty Program ng SEC. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes