Pinangunahan ni Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos ang “LAB for ALL” Caravan sa La Union Convention ngayong araw, Pebrero 6, na nagbigay ng libreng konsultasyon, laboratoryo at mga gamot sa mga mamamayan ng La Union.
Sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union at iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan at mga private partner, ang “LAB for All” ay nakapagbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahigit 3,000 residente, karamihan ay mga senior citizen at mga mahihirap.
Bukod sa mga libreng gamot at konsultasyon na pinangunahan ng DOH, namahagi rin ng mga food packs mula sa DSWD sa mga benepisyaryo, educational assiatance para sa ilang piling estudyante sa ilalim ng CHED, libreng serbisyong legal sa pamamagitan ng Public Attorneys’ Office (PAO), at libreng mga binhi mula sa Department of Agriculture (DA).
Samantala, limang mapalad na mga benepisyaryo ang napiling mabigyan ng libreng bahay at lupa mula sa programang pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). | ulat ni Albert Caoile | RP1 Agoo