Ide-deport na ngayong araw ang ikalimang batch ng mga Chinese national na illegal POGO workers sa Pasay City.
Binubuo ng 43 Chinese nationals at isang Vietnamese ang ide-deport ngayong araw na pinangunahan ni Undersecretary Gilbert Cruz at mga tauhan nito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI), Department of Justice (DOJ), at Philippine National Police (PNP).
Ang mga naturang Chinese national ay sangkot sa illegal POGO, online fraud, prostitution den, crypto scams, illegal online, at gambling.
Natuklasan ng mga operatiba ang illegal activities ng mga dayuhan matapos salakayin ang isang gusali sa William Street sa lungsod ng Pasay. | ulat ni AJ Ignacio