Ayon kay Dr. Paul Alanis Philippine Institute of Volcanology and Seismology Resident Volcanologist na asahan na ang ganitong aktibidad sa Bulkang Mayon, ang phreatic explosion gaya ng naganap na pagputok ng bulkan bandang alas-4:37 ng hapon kahapon.
Paliwanag ng opisyal, nagaganap ang phreatic explosion , kapagka ang malamig na tubig ulan, tumama sa mainit na ground ng Bulkang Mayon. Nangyayari ito sa bulkan dahil sa kasalukuyang nasa Alert Level 2 ito, at kahit nga walang alert level, maaari itong mangyari ng walang signs.
Lahad ng eksperto, bago ang nangyaring phreatic explosion sa bundok kahapon, naitala rin ng PHIVOLCS ang ganitong aktibidad sa bulkan noong December 24, 2023.
Diin ng opisyal, hindi pa maaaring ibaba ang alarma sa bulkan. Aniya, mananatili ito sa Alert Level 2.
Nag-apela si Alanis sa publiko, na iwasang pumasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay