Umaasa si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na maisasama ang Naga Airport sa Bicol Region sa ikinasang P14-billion na regional airport modernization plan ng Department of Transportation and Railways.
Ginawa ni Villafuerte ang pahayag kasunod ng announcement ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa P14-billion na improvement plan budget para sa mga airport sa buong bansa, kung saan ang ilan sa pondo ay magmumula sa Public-Private Partnership na may kasamang financial support mula sa Asian Development bank.
Ayon kay Villafuerte, malaking tulong sa turismo ng Bicol kapag naisakatupran na ang matagal nang inaasam na runway expansion ng Naga airport upang makapag accommodate ng international flights.
Maaalalang matagal nang isinusulong ng CamSur solon ang runway expansion, simula pa noong nakalipas na dalawang administrasyon kaya umaasa ito na maisasakatuparan na ito sa ilalim ng pamahalaang Marcos Jr. | ulat ni Melany Valdoz Reyes