Binilinan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang mga Army Reservists na manatiling disiplinado at panatilihin ang malusog na pamumuhay sa kanilang pang-araw araw gawain bilang mga sundalo.
Ang pahayag ay ginawa ng Phil. Army Chief sa kanyang pagbisita sa mga tropa at reservist ng 6th Regional Community Defense Center (6RCDG) ng Army Reserve Command sa Camp Gen. Leandro Fullon, San Jose de Buenavista, Antique kahapon.
Dito’y tinalakay ni Gen. Galido ang kanyang prioridad na palakasin ang Reserve Force para sa mas malawak na papel sa pagtatanggol ng pambansang teritoryo.
Pinuri naman ni Lt. Gen. Galido ang mga reservist sa kanilang diwa ng boluntirismo at pagkamakabayan.
Pinaalalahanan din ng heneral ang mga reservist na alagaan nang mahusay ang kanilang mga pamilya, na siyang pinagmumulan ng kanilang lakas. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of 3rd Infantry Division Public Affairs Office