Tinanggap ni Director Charlie Dungo ng Department of Tourism, Culture, and Arts Manila ang parangal para sa Manila Clock Tower Museum kung saan naiuwi nito ang panibaging parangal sa ginanap na Philippine Leaf Awards ngayong taon.
Sa nasabing prestigious awarding ceremony, naiuwi ng Manila Clock Tower Museum ang Golden Leaf Presidential award na karagdagan sa mga pagkilala na natanggap ng museo.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Dungo ang parangal sa dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso para sa pagbuhay ng Manila Clock Tower Museum.
Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong para makilala ang nasabing atraksyon sa Maynila kabilang na ang kanilang partner na Museo de Pacis.
Nauna na ring kinilala noong Nobyembre 2023 ang nasabing museo ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) itinanghal ito bilang grand winner ng Museums and Galleries Month (MGM) 2023 Audio/Visual Presentation (AVP) Museum Competition. Ang unang clock tower museum sa bansa na tumalo sa iba pang local government meseums sa bansa.
Itinatag noong 1930, ang Manila Clock Tower Museum ay idinesenyo ni Antonio Toledo, isang Filipino neoclassical artist at architect.
Muling isinaayos ngunit naantala dahil sa pandemya. Muling binuksan noong Oktubre 2022 sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna at Director Dungo at naging pangunahin tourism attraction na sa lungsod at nanatiling isang makasaysayang landmark.| ulat ni EJ Lazaro