Ikinatuwa ng Malakanyang ang magandang standing ng bansa sa Corruption Perception Index of Transparency International.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nagbubunga na ang pagsisikap ng pamahalaan hindi lang para mapaikli ang proseso ng mga transaksiyon sa gobyerno kundi upang mapigilan din ang anumang anyo ng korupsiyon sa pamamagitan ng digitalization na ipinupurisge ng administarsyon.
Sinabi ni Bersamin na sa pamamagitan ng digital transformation ay naipatutupad ang streamlining sa institutional processes.
Ani Bersamin, titiyakin nilang mananatiling matatag ang gobyerno sa pangako nitong maibigay sa mamamayan ang episyenteng serbisyo publiko.
Dagdag ng Executive Secretary, ituturing aniya nilang hamon ang magandang nakuhang standing ng Pilipinas sa Corruption Perception Index at ng sa gayon ay lalo pang pag- ibayuhin ang digital transformation sa pamahalaan at mabawasan ang mga pagkakataon para sa pandaraya at katiwalian. | ulat ni Alvin Baltazar