Naramdaman ang matinding init at maalinsangang panahon sa ilang lugar sa bansa ngayong hapon.
Batay sa heat index monitor ng PAGASA, pumalo sa 41 °C ang heat index o alinsangan sa katawan na naramdaman sa Calapan, Oriental Mindoro.
Pasok ito sa danger category ng PAGASA, kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Umabot rin sa 38 °C ang heat index sa Cotabato City sa Maguindanao.
Sa ulat pa ng PAGASA, inaasahan pang aabot ng hanggang 42°C ang heat index sa Oriental Mindoro bukas.
Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa posibilidad ng heat illness at iba pang sakit sa peak ng El Niño phenomenon mula Pebrero hanggang Abril, kayat ang lahat ay dapat mag-ingat sa kanilang kalusugan lalo na ang mga may high blood at ipa pang karamdaman ngayong maalinsangan ang panahon. | ulat ni Rey Ferrer