Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mananatili sa 50cm ang alokasyong hihilingin nito sa National Water Resources Board (NWRB) mula sa Angat Dam para sa Metro Manila hanggang sa buwan ng Mayo.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni MWSS Engr. Christian Gonzales na ito ay para masigurong sasapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng El Niño.
Sa ngayon, nasa kumportableng lebel pa naman aniya ang karamihan ng mga dam kabilang ang Angat dam na pinagkukunan ng 90% suplay sa NCR.
Iba’t ibang interventions na rin ang ginagawa ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Kasama na rito ang recovery ng system losses sa tunnels at aquaducts, at short term-medium term water sources gaya ng Modular Treatment Plants.
Ayon pa kay Engr. Gonzales, nakikita nilang epektibo rin ang inilabas na memo ng Malacañang sa lahat ng mga tanggapan sa gobyerno na magpatupad ng mga hakbang para sa pagtitipid ng paggamit sa tubig.
Batay kase aniya sa kanilang monitoring, nagkaroon ng pagbabawas sa water consumption ng NGAs, GOCCs at iba pang ahensya ng gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa