Umakyat pa sa higit 350,000 pamilya o katumbas ng 1.2 milyong indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development na naapektuhan ng mga malalakas na pagulang dulot ng trough o extension ng LPA.
Ayon sa DSWD, aabot na sa 751 mga barangay ang apektado sa Davao region, Soccsksargen, CARAGA region at BARMM.
As of Feb. 7 naman, may 13,000 pamilya pa o katumbas ng 48,621 indibidwal ang nananatili sa evacuation center.
Kaugnay nito, sumampa na sa P116 milyon ang naipaabot na tulong ng DSWD sa mga apektado ng trough ng LPA kabilang ang food packs.
Nananatiling nakahanda rin ang higit P3.1 bilyong halaga ng stockpile at standby funds ng DSWD para tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa