Ipinatupad na ng ilang mga kumpanya ng langis ang taas-presyo sa produktong petrolyo bukas
Simula kaninang alas-6 ng umaga ipinatupad ng mga kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, Petro Gazz, Uni Oil, at Jetti ang ₱0.75 centavos na taas-presyo sa kada litro ng gasolina ₱1.50 sa kada litro ng diesel, at ₱0.80 centavos sa kada litro ng kerosene.
Samantala, ang kumpanyang Clean Fuel ay ipatutupad ang kaparehong presyo mamayang alas-4 ng hapon, habang ang kumpanyang Caltex naman ay nagtaas-presyo na kaninang hating-gabi.
Ito na ang ikalimang linggo ng taas-singil sa presyo ng petrolyo buhat ng pumasok ang taong 2024.
Ang oil price increase ay dulot pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio