Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pagkilala sa mga Pilipinong magsasaka, matapos makamit ang makasaysayang 20 million metric tons na ani ng bigas noong 2023.
Ang 1.5% na pagtaas sa ani ng bigas, dahil na rin sa commitment ng pamahalaan na makapagbigay ng kalidad na binhi at pataba ay malaking tulong sa pagtugon sa problema ng kakulangan sa bigas.
Kinilala din ng House leader si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa kanilang dedikasyon para palakasin ang modernisasyon ng agrikultura at food production sa kabila ng hamong dala ng El Niño.
Dahil dito, pumalo sa P1.763 trillion ang kabuuang produksyon ng agriculture at fisheries sector noong 2023, mas mataas kaysa sa P1.757 trillion noong 2022.
“This exceptional achievement by our hardworking farmers is truly deserving of praise. They are undeniably the cornerstone and solution to our nation’s rice scarcity. This historic rice harvest signifies a glimmer of hope in resolving the rice shortage predicament we faced in the past year,” saad ni Speaker Romualdez.
Una nang sinabi ng Pang. Marcos Jr. na ang paglago na ito sa produksyon ay resulta kolektibong pagtutulungan ng lahat ng stakeholders.
“Our combined efforts have resulted in an impressive rice production exceeding 20 million metric tons in 2023,” sabi ng Pangulo.
Muli ring siniguro ni Romualdez na nakatuon ang Kamara sa pagtiyak ng sapat, stable at abot-kayang suplay ng batayang bilihin para sa mga Pilipino.
“We will exercise the chamber’s mandate to safeguard the interests of the public to the fullest extent possible,” dagdag pa nito.| ulat ni Kathleen Forbes