Nanawagan si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na tulungang makakuha ng employment visa ang mga mangingisdang Pilipino sa Hawaii.
Sa isang privilege speech inilahad ni Magsino ang kalagayan ng nasa higit 400 Pilipinong mangingisda sa Hawaii na nagtatrabaho doon sa ilalim ng isang special arrangement.
Aniya, 60% sa 750 mangingisda sa naturang programa ay mga Pilipino.
At bagamat maayos ang working conditions ay wala namang U.S. employment visa na banta aniya sa kanilang security of tenure.
Maliban pa sa hindi sila nakakalabas o nakakapasyal sa labas ng Port of Honolulu.
Kaya panawagan nito sa DFA at DMW na pagtuunan ng pansin na mabigyan ng employment visas ang mga mangingisdang OFW sa Hawaii sa pamamagitan ng labor agreement ng Pilipinas at ng United States. | ulat ni Kathleen Jean Forbes