Nag-abot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong indibidwal ng gumuhong ikalawang palapag ng St. Peter Parish Church sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Feb. 14.
Pinangunahan ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng cash assistance para sa mga nasugatan.
Matatandaan na 56 indibidwal ang naitalang nasaktan sa pagcollapse ng bahagi ng simbahan.
Habang nagpaabot na rin ang ahensya ng burial assistance sa kaanak ng isang nasawi sa naturang insidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa