Nagpaabot na ng tulong pinansyal ang National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang sinalanta noon ng bagyong Eday sa Negros Occidental.
Aabot sa P3.9 milyong halaga ng tulong pinansyal ang ipinagkaloob ng NHA-Region VI sa 390 pamilya mula sa anim na munisipalidad ng lalawigan.
Ipinamahagi ang tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig P10,000 ayuda para makatulong sa pagpapaayos ng kanilang mga nasirang tahanan.
Noong Hulyo nng nakalipas na taon nang hagupitin ng Super Bagyong Egay ang bansa na nag-iwan ng 13 nasawi at 20 iba pang nawawala.
Kabilang ang Western Visayas sa sinalanta ng malakas na bagyo. | ulat ni Rey Ferrer