Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ginagawa ni First Lady Liza Araneta – Marcos, hindi lamang para sa kanilang pamilya bagkus ay para sa buong Pilipinas, ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Sa lastest video blog ng Pangulo, sinabi ng Pangulo na una dito ay ang Lab 4 All program ng Unang Ginang, kung saan ipinaabot ang dekalidad na libreng health care services sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kada Martes, tumutungo sa iba’t ibang probinsya ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan tulad ng DOH at TESDA, katuwang ang pribadong sektor, upang mag-abot ng serbisyo ng pamahalaan.
“Every Tuesday, we go to a different province and the mobile van is there, and all the different agencies like DOH, TESDA, the different government agencies. But more important the private sector, they go there three days before and they give medical services which is part of their CSR…It’s really nakakataba ng puso because some are wearing crutches.” —First Lady Liza.
Kaugnay nito, sabi ng Pangulo, hindi rin matatawaran ang pag-alaga ni First Lady Liza sa kanilang pamilya, palagi itong nakasuporta, at hindi raw ito papayag na tumatagal ang problema sa kanilang tahanan.
“She really, really, really takes care of us – the family, ako, at ‘yung tatlo naming anak. And she – hindi papayag si Liza na may problema, aayusin niya kaagad at you always know that she has your back.” —Pangulong Marcos.
Inilarawan naman ng Unang Ginang si Pangulong Marcos bilang mabuting tao at palaging nakikita ang kabutihan ng kaniyang kapwa.
“I always tell people, for someone so intelligent, you’re so kind, Bong. So patient, so mabait, always sees the good qualities in people, not a mean soul in your body, and I know you love the country. And God, the thing you put up with, I don’t know how you do, but idol, idol.” —First Lady Liza.
Sa kaparehong vlog, para sa Araw ng mga Puso, sinabi ng Pangulo at ng Unang Ginang na mahalaga sa isang relasyon ang paglalaan ng oras.
“Well, mahirap talaga ‘yung balanse dahil work takes up so much of our time. Well, hindi lang naman ako, pati si Liza marami talagang ginagawa. So, we try to find five minutes here, twenty minutes there, we eat together…Basta’t whatever the schedule allows, we take full advantage of it.” —Pangulong Marcos.
Kabilang rin dito ang direktang pakikipag-usap, pakikipag-date, at pagaanin o patawanin ang isa’t – isa lalo na sa gitna ng abalang schedule at mabigat na sitwasyon na hinaharap ng bawat isa sa kasalukuyang relasyon.
“Don’t let stress get you … Laugh whenever you can, be grateful for what you have, and we’re all blessed one way or another, just be grateful. You’ll never be perfect but just be grateful.” —First Lady Liza.
Sabi pa ng Pangulo at ng Unang Ginang, ang hindi nila pinaka-makakalimutang adventure na magkasama ay ang ginagawa nila ngayon na pagli-lingkod sa mga Pilipino.
“This is the biggest thing that I’ve been involved in. Being President and having Liza as First Lady. In very many ways it is an adventure and it’s something that a very few people have the privilege of experiencing. That is why it is also unforgettable,” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan