Sa mosyon ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ay binigyan ng limang araw na furlough ng House Committee on Public Order and Safety ang mga pulis ng Southern Police District (SPD) na una nang na-contempt ng komite at nakadetine sa Batasan Complex.
Ang naturang mga pulis ay ipina-contempt ng komite dahil sa kwestyonableng pag-aresto, detention, robbery-extortion sa ilang babaeng Chinese nationals sa Parañaque noong September 2023.
Magsisimula ang furlough bukas February 14 hanggang Linggo, February 18.
Paalala naman ni Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez, chair ng komite, dapat bumalik ang mga pulis sa itinakdang petsa dahil kung hindi ay mag-iisyu ang komite ng Warrant of Arrest.
Sinabi pa ni Tulfo na sa susunod na pagdinig ng komite, pag-uusapan kung ili-lift na ba ang Contempt Order laban sa kanila. | ulat ni Kathleen Jean Forbes