Hindi kinukunsinti ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anumang uri ng pagbibigay ng mga permit o visa sa gitna ng mga iniulat na aktibidad sa ahensya.
Ayon sa DFA, wala silang pinapalagpas na maling gawain o katiwalian tungkol sa kanilang
visa at consular services sa Philippine Foreign Service Post.
Anila, sa halip ay seryoso sila sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo-publiko at pagbutihin ang kanilang mga trabaho sa konsulado.
Itinanggi rin ng DFA ang umanoy mga alegasyon ng extortion at iba pang illicit activities sa kanilang mga visa.
Mayroon kasing mga kumalat na isyu na mayroong extortion na ginawa ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa ilang mga dayuhan.
Kabilang na rito ang pag-check sa mga natatanggap nilang report o reklamo.
Upang matiyak ang seguridad sa pag-isyu ng entry visa, tiniyak ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa mga Foreign Service Posts at mga stakeholder sa sektor ng turismo. | ulat ni AJ Ignacio