Inatasan na ng Manila International Airport Authority o MIAA ang mga terminal managers na magsagawa ng sanitation measures ang NAIA terminal 2 at 3 matapos na may mapaulat na may mga bed bugs o surot sa ilang mga upuan sa paliparan.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines na agad nitong inatasan ang mga airport managers na magsagawa ng sanitation efforts upang hindi na madamay pa ang ilang mga pasilidad sa paliparan.
Dagdag pa ni GM Ines na agad itong nag hihintay ng follow up report sa loob ng 24 oras upan malaman ang resulta ng isinagawang sanitation measures.
Kaungay nito na humihingi naman ng paumanhin ang MIAA sa mga airline passengers sa nangyaring insidente at nangako naman ito ng agaran aksyon.
Samantala inalis na ang mga upuan na naipaulat na may mga bed bugs o surot sa loob ng paliparan. | ulat ni AJ Ignacio