Inihain sa Kamara ang panukalang batas na layong taasan ang minimum salary ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Sa inihaing House Bill 9920 ng Makabayan Bloc, ipinapanukala na gawing Salary Grade 15 sa ilalim ng Salary Standardization Law ang sahod ng mga guro o katumbas ng P50,000 kada buwan.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, nilalayon ng kanilang panukala na makasabay ang sweldo ng mga guro sa kasalukuyang “cost of living,” at taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Para kay Castro, ang mga guro ay “frontliners” sa sektor ng edukasyon kaya naman nararapat lang na mabigyan sila ng disenteng buhay, kompensasyon, at iba pang benepisyo. | ulat ni Kathleen Forbes