Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rider na nais matuto ng tamang pag-momotorsiklo na mag-enroll sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya.
Ayon sa MMDA, ito ay libre at sa loob lang ng dalawang araw ay maaari ng matutunan ang riding courtesy, road traffic rules and regulations and safety laws, basic riding course na dapat alam ng mga nag-momotorsiklo.
Bukod dito, mayroon ding simulation exercises gaya ng preparing to ride, common riding situations, at motorcycle safety driving demonstration.
Para sa mga interesadong aplikante maaaring mag-register online bisitahin lamang ang Facebook page ng MMDA.
Pinapayagan din ang mga walk-in applicants. Bukas ang pasilidad simula alas-8 ng umaga. Magdala lamang ng isang government-issued ID, helmet, at iba pang protective safety gear.
Ang MMDA Motorcycle Riding Academy ay matatagpuan sa Dona Julia Vargas Ave. cor Meralco Ave. sa Pasig City. | ulat ni Diane Lear