Ikinalugod ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang ginawang pagsuporta ng General Santos City sa mga road project ng pamahalaan.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa isinagawang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting kasabay ng selebrasyon ng ika-125 Anibersayo ng DOTr ngayong araw.
Inspirasyon at maituturing aniya na kampeon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ang ipinakita ng lungsod sa pagsusulong ng pagbabago sa mga pampublikong transportasyon.
Umabot kasi sa 100% ang consolidation rate ng PUVMP sa GenSan, na kauna-unahang lungsod na nakagawa nito sa Pilipinas.
Tinatayang 20 kooperatiba at dalawang korporasyon na sumali rito noon pang 2017.
Umaasa naman ang DOTr na magiging inspirasyon at ehemplo ang GenSan sa pagsusulong ng modernisasyon sa pampublikong transportasyon sa bansa. | ulat ni Diane Lear