Upang mas maging abot kaya na ang mga gamot sa cancer, sakit sa puso at mental illness aalisan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng value added tax (VAT) ang mga gamot sa naturang mga sakit.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, nasa 12 gamot sa cancer, 4 na gamot sa hypertension, at 4 na gamot sa mental illness, at kabilang ang gamot sa sakit sa puso ang kanyang nilagdaan upang alisan ng VAT.
Dagdag pa ni Zacarte, layon ng pag-aalis ng value added tax ay upang mas maging abot kaya ang mga naturang gamot partikular na ang gamot sa cancer at mental illness.
Sa huli patuloy nilang rerebyuhin ang iba pang mga gamot na maaaring tanggalan ng VAT upang mas maging abot kaya ito ng publiko. | ulat ni AJ Ignacio