Sinilbihan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng warrant of arrest ang number 2 most wanted terrorist sa Bicol Region na si alyas “Jose Maria”, bilang bahagi ng pagpapatupad ng “Oplan Pagtugis”.
Ito’y makaraang boluntaryong sumuko si “Jose Maria” sa 903rd Infantry Battalion noong nakaraang Biyernes.
Si “Jose Maria” ay wanted sa 3 counts ng murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat, si “Jose Maria” ang Commanding Officer (CO) ng Special Partisan Unit (SPARU) Provincial Unit Guerilla (PYG) sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng CPP-NPA.
Tiniyak ni Caramat na puspusang ipatutupad ng CIDG ang kampanya laban sa terorismo alinsunod sa kautusan ni PNP Chief PGen Benjamin C Acorda Jr. | ulat ni Leo Sarne
📷: CIDG